Ang aklat ay para sa mga Pilipino na gustong matuto na maghanda ng mga lutuing italiano. Ang aklat ay naglalaman ng 150 na resipe na pagpipilian para sa isang kumpletong pagkain na pang araw-araw at pang importanteng okasyon: antipasti, minestre, paste, risotti, carni, pesci at iba't-ibang sarsa na kailangan para sa mga lutuin. May mga lutuin na simple, mabilis gawin, masustansiya at hindi magastos na maaring ihanda para sa ordinaryong pagkain at may mga lutuin din na bagay ihanda kung may bisita at sa mga mahahalagang araw. Ang aklat ay naglalaman din ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa mga iba't-ibang sangkap para sa mas mahusay na paghanda at pagluto. Ang mga pangalan ng mga resipe ay nasulat sa wikang Italiano upang matutunan kaagad ang tawag ng mga lutuin na isinama sa aklat. Gayon din ang mga sangkap na kailangan upang madaling hanapin sa bilihan. Ito ay siguradong makakatulong sa mga Kababayan na hindi pa masyadong marunong ng wikang Italiano. Upang matulungan lalo ang mga mambabasa, may isinama din na talasalitaan na naglalaman ng mga kahulugan ng mga salita na nasulat sa Italiano.
Anonimo -